Ni: Mary Ann Santiago

Dead on the spot ang isang truck driver nang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang nakikipag-usap sa kanyang nobya sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Garcia, Jr., 30, ng Valenzuela City, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na inilarawang nasa edad 20-25, nasa 5’7” ang taas at nakasuot ng asul at itim na t-shirt at maong na pantalon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 11:45 ng gabi nangyari ang pamamaril sa loob ng Gold Pier Parking, sa Malonzo compound, Pier 2 sa Tondo.

Sa salaysay ni Rozel Payot, 18, nobya ng biktima, magkausap sila ni Garcia nang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang kanyang nobyo.

Inaalam na ng awtoridad ang motibo sa pamamaril.