Ni NITZ MIRALLES

HINDI na talaga mapaghiwalay sina Neil Arce at Angel Locsin dahil pati sa panonood ng Fliptop Battles ay magkasama pa rin sila. Sa live Fliptop Battles nanood ang isa sa newest showbiz couple, kaya nagkagulo sa venue (hindi sinabi ang eksaktong lugar) nang makilala sila sa crowd.

Neil at Angel
Neil at Angel
Hindi pa-VIP sina Angel at Neil, hindi nanghingi ng extra treatment dahil nakatayo rin sila kagaya sa ibang mga nanood. Pero kapansin-pansin na nasa twinning mode sila dahil parehong naka-black t-shirt at si Angel, naka-black cap din.

In fairness, pinapa-experience ni Neil kay Angel kung paano maging out of showbiz sa kanilang relasyon by bringing her to Fliptop Battles at kumain sa food court ng mall. Iyon nga lang, sa social na Up Town Mall sa BGC sila naispatang kumain sa food court at nasa stryrofoam ang food nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, nag-react si Angel sa netizen na nag-comment na “inappropriate” ang pagbisita ni Angel sa Marawi City na may crisis pa dahil nagkaroon ng undue publicity.

Sagot ni Angel: “Paki-explain kung anong nakasama kung naka-attract ng publicity? Sana masilip mo rin mga tao dun para maintindihan mo.”