Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Apat na katao ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa mga bayan ng Cabiao, San Isidro at Cabanatuan City sa Nueva Ecija nitong Huwebes at Biyernes.

Sa San Isidro, iniulat kay Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director Senior Supt. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto nitong Huwebes sa negosyanteng si Eriberto Perez, 43, binata, ng Barangay Pulo, San Isidro, matapos makuhanan ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000, sa bisa ng search warrant.

Nasa P1,000 halaga ng umano’y shabu rin, isang sumpak at drug paraphernalia ang nakumpiska ng Cabiao Police kay Edwin Guinto, 39, fish vendor, may asawa, isang drug surrenderer, at residente ng Bgy. Sta. Rita, Cabiao.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa Cabanatuan, naaresto naman sa buy-bust operation nitong Biyernes ng gabi sa Purok Mampulog, Bgy. Bitas si Henry Villasan, 40, may asawa, tricycle driver, ng Bgy. Valle Cruz; habang naaktuhan umanong bumabatak si Jaime Encinares, 24, ng Bgy. Bitas.