Ni: Bert de Guzman

Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na ipatatanggal niya bilang mga abogado at miyembro ng hudikatura ang tatlong kasapi ng Court of Appeals (CA) dahil umano sa katangahan sa batas.

Sasampahan umano ni Alvarez ng disbarment charges sina Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon, at Nina Antonino-Valenzuela, pawang ng CA Special Fourth Division.

Ayon sa kanya, ang direktiba ng CA na nagkakaloob sa habeas corpus petition ng anim na opisyal ng Ilocos Norte na nakadetine ngayon sa Kamara dahil sa contempt of court, ay maliwanag na taliwas sa mga desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa contempt powers ng Kongreso.
Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'