RICHARD copy

Ni: ADOR SALUTA

DAHIL mahigit dalawang taong napahinga, ngayon lang muli nag-a-adjust si Richard Gutierrez sa buhay-showbiz.

“Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang schedule ko na tuluy-tuloy and nag-a-adjust pa ako,” sabi ng aktor. “Pero siyempre nakaka-miss ang grind, nakaka-miss ang work pero kailangan mag-adjust sa oras.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa pagpasok ni Richard sa ABS-CBN, sabay niyang gagawin ang teleseryeng La Luna Sangre at ang pelikulang Wife Husband Wife. Kaya kapag maluwag ang kanyang oras, sinasamantala niyang makasama ang anak na si Zion.

“Every chance I get and may free time I spend it with Zion and kapag may taping na malapit-lapit pinapabisita ko si Zion sa set, so nagiging playground niya ‘yung set,” kuwento ni Richard.

Excited siyang makatrabaho ang ABS-CBN stars na matagal na niyang gustong mangyari sa kanyang career, kasama na ang ex-girlfriend na si Anne Curtis.

“I’m open to work with anybody and of course si Anne nakatrabaho ko na before, so I’m willing to work with her again,” deklara pa ni Richard.

Magsisimula nang mapanood ang La Luna Sangre kasama ang KathNiel love team ngayong Lunes, June 19, at inaabangan na rin ang Wife Husband Wife na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin naman ang kasama niya.