Ni: Liezle Basa Iñigo

MANGALDAN, Pangasinan - Patay ang isang hindi nakilalang lalaki matapos siyang makipagbarilan sa mga pulis sa checkpoint sa McArthur Highway ng Barangay Anolid sa Mangaldan, Pangasinan, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa report mula kay Supt. Jeff Fanged, hepe ng Mangaldan Police, dakong 11:40 ng gabi nitong Huwebes nang sitahin sa checkpoint ang hindi nakilalang lalaki na sakay ng Yamaha Mio motorcycle.

Sa halip na papigil ay sinagasaan ng suspek ang checkpoint signages at nagpaputok sa mga pulis.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hinabol ng mga pulis ang suspek at gumanti ng putok kaya nabaril ang lalaki at kaagad na nasawi.

Narekober sa crime scene ang isang .38 caliber revolver na may mga bala, tatlong fired cartridge cases ng .38 caliber, isang itim na holster, at dalawang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.