Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

12 n.t. - Gamboa Coffee Mix vs Cignal HD

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2 n.h. -- Batangas vs CEU

MALAYO pa para tawaging contender ang Cignal HD sa 2017 PBA D League Foundation Cup, ayon kay coach Boyet Fernandez.

“We’re still a work-in-progress,” ani Fernandez.

Kasalukuyang nasa gitna ngayon ng standings ang Hawkeyes tangan ng 3-2 karta.

Nakatakda silang sumabak nyayong hapon kontra sa veteran-laden Gamboa Coffee Mix sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Dahil sa malaking agwat pagdating sa karanasan, inaasahan na ni Fernandez na bibigyan sila ng mabigat na laban ng Coffee Lovers sa pagtutuos nila ngayong ika- 12 ng tanghali.

“Gamboa is a veteran squad and we just have to be ready for them. They have ex-pro players and sanay na sila sa PBA style, so we’ll be up against a very solid team,” pahayag ni Fernandez.

Hindi pa rin tiyak kung makakalaro na para sa Hawkeyes si Jason Perkins na hinayaan ni Fernandez na mag -focus sa kanyang academic requirements sa La Salle.

Dahil dito, sasandigan ng Cignal sa pagsabak kontra Coffee Lovers sina Raymar Jose, Davon Potts, at Pamboy Raymundo.

Sa panig naman ng Gamboa, magtatangka itong makabawi mula sa nalasap na 105-119 kabiguan sa kamay ng Flying V noong nakaraang linggo sa pamumuno nina playing-coach Leo Avenido, Jens Knuttel, at Val Acuña.