ISTANBUL (AFP) -- Kinondena ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan nitong Martes ang economic at political isolation ng Qatar na hindi makatao at taliwas sa mga aral ng Islam.

‘’Taking action to isolate a country in all areas is inhumane and un-Islamic,’’ sabi ni Erdogan sa isang televised comments sa kanyang partido sa Ankara, kasunod ng pagputol ng Saudi Arabia, UAE at Bahrain ng kanilang reklasyon sa Qatar noong Hunyo 5, at sa akusasyong sinusuportahan nito ang terorismo.

Pinasinungalingan ni Erdogan ang mga akusasyon sa Qatar at idiniin na ito ay masugid na kalaban ng Islamic State (IS) jihadists.

‘’Qatar is a country which, like Turkey, has adopted the most resolute stance against Daesh (IS),’’ ani Erdogan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

‘’Let’s stop fooling ourselves.’’

Nanawagan si Erdogan kay Saudi King Salman na resolhabhin ang krisis. ‘’I think that as the elder statesman of the Gulf, the king of Saudi Arabia should solve this affair and show leadership,’’ aniya.