Ni: Brian Yalung
MULA sa nakasanayang laro sa komunidad, ilang kabataan ang nagkakaroon ng pagkakataon na gamitin ang panahon ng bakasyon para sumabak sa iba’t ibang programa sa sports.
Nangingibabaw ang basketball clinics at liga, kabilang ang Batang PBA.
Inorganisa ng nangungunang pro league sa Asya, ang mga matitikas na batang basketbolista ay nabibigyan ng pagkakataon na maglaro ng kinahihilingang sports sa tema na tila isang ganap na pro player.
Suot ang jersey ng mga koponan sa PBA, ang mga natatanging kabataan na napabilang sa naturang programa.
Ilan sa mga kabataang kalahok ang hiningan ng Manila Bulletin Sports Online ng kanilang karanasan sa Batang PBA.
Kabilang sa mga kalahok ang 9-anyos na si Gavin Uy. Aniya, marami siyang natutunan sa programa at masaya ang makasalamuha ang kapwa batang mahilig sa basketball. Naglalro siya sa Mahindra Floodbusters suot ang jerysey ni Alex Mallari.
“I learned that nothing is given. Hard work is needed to achieve any goal,” pahayag ni Gavin.
Mistulang yaman na pahahalagahan ng 11-anyos na si Camille Nolasco ang mga karanasan na nakuha siya sa pagsali sa liga.
“I was able to wear and play for the jersey of Paul Lee and fortunate enough to have met him. The whole experience reminded me that dreams do come true,” aniya.
Sa edad na 16-anyos, dagdag kaalaman sa mga natutunang diskarte sa laro ang hindi malilimot ni Luis San Juan na nakamit sa pagsabak sa Batang PBA season.
“Batang PBA training and games helped enhanced my basketball skills especially starting with the basics. It improved my dribbling and shooting skills,” sambit ni San Juan.
Nakausap at nakunan din ng pahayag ng MB Sports Online sina Andre Miguel Tan at Caleb Coronel.
Hindi naman mawawala sa isipan ni Andre Miguel Tan ang pagkakataon na naging malapit niyang kaibigan ang mga nakasama sa Batang PBA program nang maglaro siya sa GlobalPort na naging kampeon noong 2015 season.
Naranasan naman ni Joshua Caleb Coronel na makalaro ang mas malalaking karibal na siyang nagbigay katatagan sa kanya para sumabak sa La Salle Greenhills na naging kampeon sa nakalipas na tatlong taon.
Sa kabuuan, nagpapasalamat ang mga Batang PBA sa karanasan na nakamit sa programa na anila’t magagamit nila sa pagsabak sa mas mataas na antas ng liga sa hinaharap.