Ni: Beth Camia

Pinahaharap ng Korte Suprema sina Defense Secretary at Martial Law Administrator Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at Martial Law Implementor General Eduardo Año sa oral arguments ngayon.

Ito ay kasunod ng kahilingan ni Albay Rep. Edcel Lagman na nagsabing mahalaga ang presensiya ng dalawang opisyal dahil sila ang tagapagpatupad ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Lagman, kung hindi kakayanin ni Año na makadalo sa pagdinig, maaaring isang senior official ng AFP ang ipadalang kinatawan ng militar.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kahapon pa sana nais padaluhin ni Lagman sina Lorenzana at Año, ngunit sinabi ni Solicitor General Jose Calida na dahil wala sa Metro Manila ang dalawa, mas maiging ngayong araw na lamang sila padaluhin.

Kaugnay nito, sinabi ni Sereno na dahil hindi na bago sa Korte Suprema na magpatawag ng mga resource person sa oral arguments, magiging mahalaga ang presensiya nina Lorenzana at Año upang direktang makapagtanong sa mga isyung may kinalaman sa martial law.