Ni: Fer Taboy

Sumuko sa Philippine Army ang may 19 na kasapi ng New People’s Army (NPA) makaraang dumanas ng matinding hirap habang nagtatago sa kabundukan ng Masbate.

Sinabi ni Brig. Gen. Fernando Trinidad, commanding officer ng 903rd Infantry Brigade, na sumuko ang mga rebelde dahil halos wala na umanong makain ang mga ito at hindi na rin mapagkatulog sa takot kapag nagsasagawa ng operasyon ang militar.

Ayon pa kay Trinidad, idinaing din ng mga rebelde na napapabayaan na ng mga ito ang kanilang pamilya pero hindi naman naibibigay sa kanila ang ipinangako ng mga pinuno ng kilusan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Trinidad na tatanggap ng ayudang pinansiyal ang mga sumukong rebelde at tutulungan din sila ng gobyerno na magkaroon ng hanapbuhay.