MTB BOYS copy

KABILANG sa mga dumalo sa 2017 Mega Pinoy Pride Ball na ginawa sa City of Dreams nitong June 12 ang Meant To Be Boys at parang pagpapakilala na rin ang pagdalo nina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto dahil sila ang cover ng July issue ng Mega Man.

Maganda ang nabuong friendship sa apat kaya magtapos man ang Meant To Be ay mananatili silang magkakaibigan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa June 23, na ang final episode ng hit rom-com series na kinukumpirma pa namin kung totoo ang nasagap naming info na “live” itong mapapanood. Malalaman kung sino sa apat ang pipiliin ni Billie ( Barbie Forteza) na maka-meant to be.

Sa online poll, nangunguna si Ivan, pero kasama sa pipili ng makakatuluyan ni Barbie ang creative at production staff. Nasabi na ng Meant To Be Boys na tanggap nila sinuman sa kanila ang mapili ng viewers at ng creative at producton team.

Ang Meant To Be ang pansamantalang magiging show na magkakasama sina Ken, Ivan, Addy at Jak dahil paghihiwalayin sila sa kanilang next project. Pero may naririnig kaming usap-usapan sa kampo ng GMA-7 na baka si Jak ang leading man ni Barbie sa next soap niya.

Matutuwa ang JakBie fans ‘pag nagkatotoo ito dahil tuluy-tuloy nilang mapapanood ang favorite love team nila.

Hinihintay din ng fans kung pagkatapos ng Meant To Be ay magiging open na sina Barbie at Jak at aaminin na ang kanilang relasyon.

Habang umeere pa ang show, “we’re friends” ang drama ng dalawa dahil na-disappoint ang fans ng ibang love team na feeling may napili na si Barbie. Nawala ang kilig at may tinamad mag-tweet. Kahit real life ang kina Barbie at Jak, dapat daw ay naghintay sila na matapos ang show. (Nitz Miralles)