VICTORIA, Tarlac - Nagsumbong sa pulisya ang dalawang empleyado ng Philip Morres Fortune Tobacco Corporation na hinoldap sila ng dalawang armadong lalaki habang nagde-deliver ng sigarilyo sa Jordina Store and Panlasa Ko Ito Carenderia sa Barangay Masalasa, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga nagreklamo na sina Valentin Carullo, 44, salesman, at ang driver niyang si Ruben Sagad, 53.

Natangayan ang dalawa ng mahigit sa P7,000, isang iPad na nagkakahalaga ng P20,000, printer na P40,000, cell phone na P900, anim na pakete ng Malboro cigarette na P3,192, at personal money ng driver na aabot sa P400.

Ayon sa pulisya, ikinulong ang dalawa sa kanilang delivery van.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inilarawan ang mga armado na may taas na 5'3'' at 5' 9'', katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na jacket at helmet. (Leandro Alborote)