volleyball copy

Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

10 n.u. -- Army vs Sta. Lucia (men’s – for third)

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

12 n.t, -- Air Force vs Cignal (men’s – for title)

4:00 n.g. -- Creamline vs Power (women’s – for third)

6:30 p.m. – BaliPure vs Pocari Sweat (women’s – for title)

NAUNAHAN man sa maikling title series, nananatiling optimistiko ang koponan ng BaliPure na makabawi at makahirit ng rubbermatch kontra Pocari Sweat sa muli nilang pagtutuos ngayong gabi sa Game 2 ng Premier Volleyball League Reinforced Conference finals sa Philsports Arena sa Pasig.

Pinalakas ng paglalaro ng bagong import na si Krystal Rivers, bumalikwas ang Lady Warriors matapos mabigo sa first set at winalis ang sumunod na tatlong sets upang makamit ang 22-25, 25-22, 25-22, 26-24 panalo para makaliapt sa inaasam, na titulo.

Ganap na 6:30 ng gabi, muling magtutuos ng Water Defenders at Lady Warriors matapos ang laban para sa third place ng Creamline at Power Smashers ganap na 4:00 ng hapon.

Sisikapin ng Water Defenders sa pamumuno nina imports Jennifer Keddy at Jeng Bualee kasama ng mga top locals na sina Gretchel Soltones at Jerili Malabanan na mapigil ang dating US NCAA Division 1 player mula sa University of Alabama na siyang pumalit sa na-injured na si Bosnian middle blocker Edina Selimovic.

Umaasa si BaliPure coach Roger Gorayeb na magpapakita ang kanyang koponan ng laban na pangkampeonato.

Sa pagkakataong ito, inaasahan niya ang tibay ng playmaker na si Jasmine Nabor upang makipagsabayan ng diskarte sa mas beteranong setter ng Pocari na si Gyzelle Sy.

Maliban naman kina Rivers at Sy, inaasahan ding mamumuno sa Lady Warriors para sa target nilang ikatlong titulo sa liga sina Myla Pablo-Jeanette Panaga-Desiree Dadang, at isa pang import na si Michelle Strizak.

Mauuna rito, tatangkain din ng Air Force na mapigil ang Cignal HD upang makahirit din ng sudden death sa sarili nilang best-of-three para sa men’s crown. (Marivic Awitan)