Angel Aquino copy

NAGULAT kay Angel Aquino nang aminin niyang okay lang sa kanya na ligawan siya ng same sex sa pocket presscon ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita na ang kuwento ay tungkol sa batang babae na nagkagusto sa malaki ang agwat ng edad sa kanya na muling ipapalabas sa SM Cinemas sa Hunyo 16-22 para sa Cine Lokal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP)

Natatawang sabi ni Angel, “I think in the Lesbian world parang honorary member nila ako kaya nu’ng ginagawa namin, ewan ko lang kung that holds the truth or binobola lang niya (Direk Sigrid Bernardo) ako when she asked me to do the part of Pilar, ‘sabi ko, baka kasi ‘yun ang place ko sa lesbian world, I’m one of those na nagka-girlfriend kasi, kaya puwedeng-puwede.

“Hindi nawala ‘yun (maraming nanligaw na lesbian), pero after Anina (movie), oh my God, oh Yes. But yeah you would get more stares (lesbians) at alam mong nag-iisip sila na ‘sisters’ tayo, ‘no?’ But I don’t mind that.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

At dahil may mga anak na si Angel na pawang mga dalaga na ay natanong siya kung papayagan niyang ligawan o magkaroon ng karelasyong lesbian sila.

“Yes, I don’t mind para sa akin with the good person is the only thing that is important to me as long as they’re with the good person, it doesn’t matter if its another woman or a man, basta mabuti sa kanila (mga anak) at tratuhin din silang mabuti,” masayang sagot ni Angel.

Mukhang open na ngayon si Angel na pag-usapan ang tungkol sa same sex relationship dahil nga siguro na-experience na niya ito at hindi naman din niya ito itinanggi hindi lang siguro siya natatanong noon kaya wala siyang dapat aminin.

Speaking of Ang Huling Cha-Cha ni Anita, napasama ito sa CineFilipino Film Festival noong 2013, pero dahil ilang sinehan lang ito naipalabas at sensitibo pa ang kuwento ay hindi kumita, pero nakakuha ng apat na awards tulad ng Best Film, Best Supporting Actress (Angel), Best Actress (Teri), at Best Acting Ensemble.

Ang nasabing pelikula rin ang unang nagbigay ng Urian Best Supporting Actress kay Angel.

Sina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana ng Idea First Company ang nagbigay ng pocket presscon maski hindi sila ang producers ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita dahil gusto nilang tulungan ang pelikula na dapat mapanood dahil kapupulutan ng aral at napapanahon din sa millennials. (REGGEE BONOAN)