ITUTULOY pa rin pala ni Tom Rodriguez na iuwi ang pamilya niya sa Pilipinas, kahit yumao na ang kanyang ama.

Tom at Carla
Tom at Carla
Ito ang kinumpirma ng aktor nang makausap namin siya pagkatapos ng grand launch ng I Heart Davao na balik-tambalan nila ng girlfriend na si Carla Abellana after a year na hindi sila nagkasama sa anumang project sa GMA-7.

“Pero next year pa siguro kasi iyon ang sabi ni Mama, kailangan daw after a year na pumanaw si Papa, saka sila uuwi dito sa bansa,” sabi ni Tom. “Kaya sa ngayon, inihahanda ko na ang pagbabalik nila rito, kasabay ng mga work ko dito sa bago naming rom-com series.”

Noon pang maysakit pa lamang ang ama, naikuwento na ni Tom na dahil nakaipon na rin naman siya, gusto niyang iuwi ang buong pamilya niya rito at pumayag naman ang mga ito kaya naghanap na siya ng lugar somewhere in Subic na gusto nilang tirahan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pagbalik sa bansa ni Tom pagkalibing sa ama, hindi masyadong naging mahirap sa kanya na mag-move on dahil bukod sa comfort na ibinibigay sa kanya ni Carla, dalawa agad ang project na ginawa niya, una ang Mulawin vs Ravena (gumanap siya bilang isang tao na naging asawa ang isang Mulawin, si Aviona, played by Carla) na hindi na siya babalik dahil sa first two nights ng serye, namatay na ang karakter niya; at ito ngang I Heart Davao.

Samantala, babalik si Carla sa telefantasya para tuparin ang pangako sa anak na si Anya (Bea Binene) na babalik nga siya.

“Pero hindi po muna ako mapapanood doon habang hindi pa tapos itong aming rom-com serye,” sabi ni Carla. “Kaya dito muna ang concern ko, sa I Heart Davao na mapapanood na ninyo kami simula sa June 26, pagkatapos ng My Love From The Star.”

Naikuwento rin nina Tom at Carla, nag-enjoy sila sa tatlong linggong taping sa isang cacao farm sa Davao, ang itinuturing na number two biggest city in the world at number two producer din ng chocolate sa buong mundo.

“Ang babait ng mga tao roon, hindi ka matatakot maglakad kahit gabi na. Sa problema namin sa pagsasalita ng dialect, tinutulungan nila kami sa tamang pronunciation. Kaya promise namin ni Carla, kapag tapos na ang airing ng I Heart Davao, babalik muli kami roon.”

Pagkatapos nga raw nilang mag-taping after three weeks medyo nahirapan silang magpaalam sa mga nakasama nila at mga taong tumulong sa kanila. Dito na lang kasi sa Metro Manila nila itutuloy ang ibang eksena ng kanilang romantic-comedy series.

Kasama nina Carla at Tom sa rom-com serye sina si Benjamin Alves, Betong Sumaya, Maey Bautista, mula sa direksiyon ni Marlon Rivera at sa script ni Chris Martinez. Isa itong creation ni GMA Senior Assistant Vice President for Public Affairs Neil Gumban.