ni Marivic Awitan

NAKABAWI sa unang set na kabiguan ang Pocari Sweat tungo sa pahirapang 22-25, 25-22, 25-22, 26-24 panalo kontra Bali Pure sa Game One ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference best of-three Finals nitong Sabado sa Philsports Arena.

SALONG BOLA! Nakahanda na si Lizlee Pantone ng Bali Pure para maibalik ang bola sa karibal na Pocari Sweat sa unang set ng kanilang laro sa Game 1 ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference best-of-three finals. Nagwagi ang Pocari. (MB photo | RIO DELUVIO
SALONG BOLA! Nakahanda na si Lizlee Pantone ng Bali Pure para maibalik ang bola sa karibal na Pocari Sweat sa unang set ng kanilang laro sa Game 1 ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference best-of-three finals. Nagwagi ang Pocari. (MB photo | RIO DELUVIO
Tinuldukan ni Gyzelle Sy ang laban sa impresibong service ace upang pigilan ang tangang five-setter ng karibal at makuha ang momentum tungo sa pagsungkit ng kampeonato.

Nabitiwan ng Pocari ang tangan sa 15-8 bentahe sa fourth set, ngunit matikas na nakabangon mula kina Jang Bualee at Gretchel Soltones para maisalba ang Water Defenders.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagawang maagaw ng BaliPure ang bentahe sa 24-22, subalit humirit sina Bualee at Soltones para makontorl ang panalo.

“It’s just like what we experienced before sa mga games namin. We don’t have problems getting leads. It’s sustaining leads yun yung kailangan naming i-address,” pahayag ni Pocari head coach Rommell Abella.

Kumana rin sina guest player Michelle Strizak ng 18 puntos, habang kumubra sina Myla Pablo at Jeanette Panaga ng 14 at 12, puntos para sa Lady Warriors.

Nanguna naman si Soltones sa Bali Pure na may 17 puntos at tumipa si Bualee ng 16 puntos para sa kasiyahan ni coach Roger Gorayeb.

Samantala, umusad ang Creamline sa target na bronze medal nang gapiin ang Power Smashers, 25-20, 25-18, 25-15.

Hataw si Alyssa Valdez sa naiskor na 21 puntos para sa Cool Smashers.

Sa men’s division, lumapit din ng isang panalo ang Cignal para makamit ang titulo matapos daigin ang Air Force, 18-25, 25-22, 25-16, 25-19, sa Game 1 ng kanilang serye.

Humakot si Lorenzo Capate ng 15 puntos, habang nag-ambag si Mark Alfafara ng 13 puntos para sa Cignal.

Sa duwelo para sa ikatlong puwesto, nakaungos ang Sta. Elena kontra Army, 18-25, 25-23, 25-22, 25-18.

Hataw sina Edward Camposano at Berlin Paglinawan sa naiskor na 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.