ANG pinakahihintay na BNTV Cup 7-Stag Derby ay dadagundong simula sa Hulyo 1 sa pagbubukas nito sa San Roque Cockpit Arena sa Marikina – ang bayan ng Bakbakan Na TV program host at World Slasher Cup champion na si Joey Sy.

Sa pakikipagtulungan ng Thunderbird at co-host na si Eddie Boy Ochoa ay binuo ang BNTV Cup na nagwingband noong Enero ng mga batang-tandang na napisa noong mga buwan ng Setyembre para mailaban sa mga buwan ng Hulyo hanggang Agosto.

Nakataya ang garantisadong premyo na P2.5M para sa mababang entry fee na P5,500, layunin ng BNTV Cup na makapaglatag ng mga labanan sa panahon na ang mga sabungan ay halos walang mga pasabong dahil ang mga magugulang na mga tandang ay naglulugon at ang mga batang tinale naman ay mga napakabata pa para mailaban.

Ang mga unang 2-stag eliminasyon ay nakatakda rin sa La Loma Cockpit (Hulyo 3); Bacolor Cockpit Arena (Hulyo 3); Montalban Cockpit Arena (Hulyo 4); Metro Darasa Cockpit (Hulyo 4); San Pedro Coliseum (Hulyo 5); Sta. Barbara Coliseum (Hulyo 6); New Tarlac Coliseum (Hulyo 7); Dasma Coliseum sa Cavite (Hulyo 7); Arena de Morong (Hulyo 8); Sta. Maria Square Cockpit in Bulacan (Hulyo 10).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakalinya rin ang eliminations sa Gallera de Legazpi (Hulyo 12);.Balagtas Cockpit (Hulyo 13); JF Sports Complex (Hulyo 13); New Vigan Cockpit (Hulyo 15) Lucena Cockpit Arena (Hulyo 17); Texas Cockpit (Hulyo 18); Metro Darasa (Hulyo 18); Sta. Monica Cockpit Arena (Hulyo 18); Abucay Cockpit (Hulyo 19); Arena de Morong (Hulyo 20); Malabon Grande sa Cavite (Hulyo 23); Imus Sports Arena (Hulyo 25); Lucky Sports Complex (Hulyo 27); San Pedro Coliseum (Hulyo 22); Pampanga Coliseum (Hulyo 22); ICOCA (Hulyo25); Del Monte Cockpit (Hulyo 28) at sa Malolos Cockpit (Hulyo 30);

Para sa mga detalye at pagsusumite ng timbang at wingband numbers, maaring tawagan o itext sina : NCR & Rizal – Wennie (0995-7589073); Bulacan, Pampanga, Tralca & Cagayan – Neil (0916-5353807); La Union, Pangasina & Ilocos – Lawrence (0995-7589064); Bicol & Quezon – Johdo (0995-7589075) and Cavite, Laguna & Batangas – Lemuel (0977-7937958).