KALIBO, Aklan - Ilang bomba at bala ang natagpuan ng isang construction worker sa Medalla Milagrosa Cemetery, sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay SPO4 Vengie Repedro, explosive ordinance disposal technician ng Aklan Public Safety Company ng Aklan Provincial Police Office, narekober and isang rifle grenade, 17 rounds na 50 caliber (12.7 mm), 79 rounds na 30 caliber, 10 rounds na 5.56 mm, tatlong cartridges para sa 20 mm anti-aircraft ammunition at isang propeller tail.

May sulat ding kalakip sa mga bombang nakabalot ng plastik na nananawagan na isuko ang mga ito sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Repedro na kasalukuyang nagsasagawa ang ng intelligence check ang kanyang mga tauhan upang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng mga pampasabog. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?