BALER, Aurora - Makakaranas ng 11 oras na kawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Nueva Ecija at Aurora sa Huwebes, Hunyo 15, 2017.

Ito ang inihayag ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Corporate Communication & Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, sinabing ang brownout ay magsisimula ng 7:00 ng umaga at tatagal hanggang 6:00 ng gabi.

Apektado ang mga kustomer ng Nueva Ecija Electric Cooperative (NEECO II)-Area 1, NEECO-II-Area 2 at AURELCO, partikular ang mga bayan ng Talavera, Bongabon at Gen. Natividad sa Nueva Ecija; at mga Bayan ng San Luis, Maria Aurora, Baler at Dipaculao sa Aurora.

Papalitan ng NGCP ang mga nabubulok na poste, cross-arms, at sirang insulators sa Cabanatuan sub-station.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Light A. Nolasco)