Tatlong kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P15 milyon, ang narekober ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Southern Police District (SPD) at Parañaque City Police sa pagsalakay sa dalawang palapag na gusali sa Parañaque City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat, dakong 10:00 ng gabi isinilbi ng PNP-DEG, SPD at Paranaque Police ang search warrant sa 2-storey residential structure, na may nakasulat na JW Entertainment Center, sa Madre Isabella Rosis Street, Brgy. Moonwalk ng nasabing lungsod.

Ginalugad ng mga pulis ang bawat sulok ng gusali at nadiskubre ang isang styro box na kinapapalooban ng dried mangoes at nasilayan ang tatlong foil na naglalaman ng tig-isang kilo ng shabu.

Inaalam na ng awtoridad kung sino ang may-ari ng nasabing gusali. (Bella Gamotea)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists