DANIEL KATHRYN DIREK CATHY ANGEL AT RICHARD copy

MALAKING challenge kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang bago nilang fantaseryeng La Luna Sangre na ikatlong yugto ng immortal na epic saga.

Inamin ng KathNiel na tuwang-tuwa sila nang ialok sa kanila ang project.

“Nu’ng sinabi po sa amin, natuwa talaga ako kasi matagal ko nang gustong gumawa ng iba, ng aksiyon, kasi nagdrama and rom-com na. At para ipagkatiwala ang ganitong project, I’m very honored po talaga. At nadagdagan pa nu’ng pumayag sina Ms. Angel (Locsin) at Kuya John Lloyd (Cruz) na sila ‘yung mag-pilot. Parang... wow talaga, enjoy po talaga.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

“‘Yung preparations po na ginawa, ni-ready po namin talaga ang sarili namin physically kasi hindi po siya rom-com kaya may mga pasa-pasa kami and then nag-training po kami ng Pekiti (Pinoy martial arts) and recently, dinagdagan po ng Wushu, combined. So far po, na-enjoy ko ang buong taping at nu’ng nakita ko ‘yung trailer, sobrang saya ko po,” nakangiting sabi ni Kath.

“Ganu’n din po,” salo naman ni Daniel, “siyempre thankful and very honored na itutuloy po itong serye na ito na nanggaling po kina Ms. Angel at John Lloyd at kay Piolo Pascual. Excited po talaga dahil siyempre ibang timpla na naman po, iba na naman ang ipapakita namin sa tao. Excited din sa mga experiences sa mga taping na magaganap, experience namin ni Kathryn, mga fight scenes at excited na mapanood ng mga tao, ako sa cast po mismo, very excited na mapanood nila.”

Normal na tao ang karakter ni Daniel sa La Luna Sangre bilang si Tristan, jeepney driver, at si Malia naman ay anak ng itinakdang Lobo na si Lia at pinakamakapangyarihang bampirang si Matteo kaya naniniwala ang lahat na ang anak ang bagong itinakda.

Nang tanungin kung sino ang gustong kagatin ni Kathryn para maging bampira rin at maging imortal, “Siyempre kakagatin mo ‘yung taong mahal mo para makasama mo habambuhay.

Si Daniel naman, “Ako tatanungin ko muna kung magpapakagat at makasama ako habambuhay kasi hindi naman lahat ng tao gustong mabuhay ng habambuhay. Ikaw (Kathryn), gusto mo bang kagatin kita? Gusto mo ba akong makasama habambuhay?

Siyempre, buong pamilya ko para makasama ko habambuhay, at saka si Tita Mhin (nanay ni Kath) tatanungin ko kung gusto niya.”

Sa totoo lang, ang kulit-kulit nina Daniel, Randy Santiago at Joross Gamboa sa presscon at may personal joke silang tatlo na sila lang ang nakakaalaman kaya napapatingin na lang sa kanila si Tony Labruska na halatang naninibago pa.

Makakasama nila sa cast ng La Luna Sangre sina Richard Gutierrez, Gelli de Belen, Ina Raymundo, Sue Ramirez, Romnick Sarmenta at marami pang iba mula sa direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano under Star Creatives.

Mapapanood na sila sa Hunyo 19, pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Samantala, umabot na sa 3M views online ang trailer ng La Luna Sangre sa loob lang ng 15 oras. (Reggee Bonoan)