maine-mendoza-at-alden-richards copy

MARAMING happenings sa AlDub Nation nitong weekend, na nagpalungkot sa kanila, tulad ng pag-deactivate ni Maine Mendoza ng kanyang Twitter account at ang pag-alis nito nitong hapon ng Lunes kasama ang sister na si Coleen at sina Ms. Celeste Tuviera at Ms. Jenne Ferre, executive ng Eat Bulaga papuntang Maldives na dream vacation destination ni Maine.

Naiwan naman si Alden Richard sa sugod-bahay ng “Juan For All” segment ng Eat Bulaga.

Tuesday, June 6, early in the afternoon, marami ang naghintay sa post ni Maine sa Instagram kaya tuwang-tuwa sila nang finally ay i-post ng dalaga ang kuha sa kanya na naka-two piece siyang flowery top and shorts. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sinundan iyon ng Boom Sason black bikini na agad ini-repost ng FHM_asia at ni-like-repost ng AlDub Nation. Wait din sila kung ila-like ni Alden ang posts ng ka-love team.

Pero gabi na, hindi pa nagla-like si Alden dahil umaga pa lang ay may photo shoot na at pagkatapos ay shoot naman ng kanyang bagong TV commercial. Aware ang AlDub Nation na napaka-conservative ni Alden pero katwiran nila, nasa beach naman si Maine. 

Madaling nakaisip ang AlDub Nation na para i-like ni Alden ang post ni Maine. May nagpasimula na mag-sponsor ng gifts and give-aways kapag ni-like ni Alden ang picture. At before midnight, ang dami nang nag-pledge ng gifts, cash award, here and abroad.

May nag-pledge na ipasasara ang Concha’s Garden Cafe ni Alden for dinner, iPhone 7; Kamilliant luggage endorsed by Maine, any design, color and size; ang favorite scent ni Maine na Jo Malone from London; may complete school supplies plus 25k cash, hanggang sa umabot na sa two pages ang list ng gifts. 

Kasunod na nito ang panawagan nila kay Alden ng: “Gov, i-like mo na si Madam.” Pati ang mga barkada ni Alden na sina Kristoffer Martin, Mark Herras, Rodjun Cruz at EB Dabarkads, nakiusap na rin kay Alden.

May nag-quote pa sa Instagram na, “Ang saya ng ADN, yayamanin... dami pa-habs (gifts) kaya Gov @aldenrichards02, maawa ka sa aming kapos-palad paki-like naman po si Madam @mainecdm, nang kami’y mabiyayaan.” 

Pero ang nakita namin may nag-post ng picture ni Maine at nasa tabi nito ay picture ni Alden na parang sinasabi niyang: “Belat!” 

Mag-give-in kaya si Alden?

Pero pumayag man si Alden o hindi, nakabawas sa mga Aldub Nation ang lungkot nila na wala silang updates kay Maine maliban sa posts nito. Kahapon ay birthday ni Coleen, kaya birthday gift na rin niya ang pagpunta nila ng Maldives. 

Nag-stay sila sa Shangri-la Villingili Resort & Spa na sabi’y $725 or P35,986.83 ang upa for a day.

Babalik rin agad si Maine dahil sila ni Alden ang hosts sa event ng isang car company na sila ang endorsers sa Sabado sa World Trade Center, Pasay City. (NORA CALDERON)