SAN FABIAN, Pangasinan - Kinilabutan ang mga residente sa bayan ng San Fabian sa Pangasinan makaraang matagpuan ang isang bangkay ng lalaki na balot ng tape ang buong katawan sa Barangay Rabon.

Natagpuan nitong Martes ng madaling araw, hindi pa rin nakikilala ng pulisya ang bangkay na may tama pa ng bala sa ulo.

Inaalam pa kung sino ang lalaki at kung ano ang motibo ng pumatay. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan