WASHINGTON (PNA) -- Sinabi nitong Miyerkules ng mga mananaliksik sa U.S. na nag-aaral sa autism na nagamit nila ang brain scans para ma-detect ang functional changes sa high-risk babies simula sa gulang na anim na buwan at nahulaan kung sinu-sino ang masusuri sa pagsapit ng edad na dalawang taon.
Halos isa sa bawat 68 bata sa United States ang mayroong autism. Ang mga kapatid ng mga batang nasuring may autism ay malaki panganib na magkaroon din nito.
Bagamat makatutulong ang maagang pagsuri at intervention para mapabuti ang resulta para sa mga batang may autism, sa kasalukuyan ay walang pang paraan para masuri ang sakit bago magpakita ng sintomas ang mga bata.
Sa bagong pag-aaral, isang research team na pinamunuan ng mga imbestigador sa University of North Carolina (UNC) sa Chapel Hill and Washington University School of Medicine sa St. Louis, ay pinagtuunan ng pansin ang functional connectivity ng utak, o kung paanong sama-samang nagtatrabaho ang mga rehiyon ng utak habang ginagawa ang iba’t ibang tasks at habang nagpapahinga.
Gamit ang imaging technique na tinatawang na functional connectivity magnetic resonance imaging, ini-scan ng mga mananaliksik ang 59 high-risk, anim na buwang sanggol habang sila ay mahimbing na natutulog.
Ipinapalagay na mataas ang posibilidad ng mga batang ito na magkaroon ng sakit dahil ang nakatatanda nilang mga kapatid ay mayroon ding autism.
“When the (analysis) determined a child had autism, it was always right. But it missed two children. They developed autism but the computer program did not predict it correctly, according to the data we obtained at six months of age,” sabi ni Robert Emerson, dating UNC postdoctoral fellow at unang may-akda ng pag-aaral.
Isinuhestiyon ng mga mananaliksik na ang single neuroimaging scan ay maaaring mahulaan nang tama ang autism sa high-risk infants, ngunit nagbabalang kailangang gawin din ang pag-aaral sa mas malaking grupo.
“No one has done this kind of study in six-month olds before, and so it needs to be replicated. We hope to conduct a larger study soon with different study participants,” ani Emerson.
Ang mga tuklas ay inilathala sa huling isyu ng U.S. journal na Science Translational Medicine.