Inaalam na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung konektado ang tatlong umanong tulak ng droga na inaresto sa buy-bust operation sa Pasay City, sa nahuling Taiwanese “drug supplier” na nakumpiskahan ng P250 milyong halaga ng umano’y shabu sa hotel sa Parañaque City.

Kasalukuyang iniimbestigahan sina Frederick Preñaranda, Dorothy Pabustan at Faharudin Tukanna, pawang taga-Cavite, matapos makuhanan ng isang kilo ng shabu.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang nakatakas nilang kasabwat na kinilalang si Tokan Salik.

Sa naantalang ulat, inaresto sa buy-bust operation ng PDEA agents at ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-Task force Noah ang tatlong suspek sa Dampa Seaside, Macapagal Avenue sa Pasay City nitong Lunes.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Isang PDEA agent ang tumayong poseur-buyer ng shabu at nang maiabot na ang droga ay dinamba na ng awtoridad ang mga suspek, ngunit nakatakas si Salik.

Nitong Hunyo 3, bandang 5:10 ng hapon, nakumpiska ng PDEA ang 50 kilo ng umano’y shabu sa Taiwanese na si Chen Teho Chang, 56, ng Biñan Laguna, matapos madakip sa interdiction operations sa Parañaque City. (Bella Gamotea)