3-0 bentahe, itatarak ng Warriors sa Cleveland.

CLEVELAND (AP) — Mula sa kinasasabikang ‘The Three-Match’, sentro ng usapin ngayon ang duwelo ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers bilang ‘mismatch’.

Hindi masisisi ang mga kritiko dahil sa pamamaraan ng Warriors nang dominahin ang unang dalawang laro ng NBA best-of-seven Finals. Sa harap ng nagbubunying home crowd sa Oracle Arena, pinagsamang 41 puntos ang bentahe ng Golden State.

Nasa ganitong sitwasyon ang Cleveland sa nakalipas na season, ngunit nagawa nilang makabangon mula sa 1-3 paghahabol para makamit ang kauna-unahang kampeonato sa liga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Subalit, sa pagkakataong ito, nabaon sa hukay ng kabiguan ang Cavs dahil sa gilas at tikas ni Kevin Durant.

Gayunman, walang plano si Cleveland coach Tyronn Lue na magbago ng diskarte at sa kanyang sistema. Matibay ang kanyang sampalataya na magagawa ng Cavs na maulit ang kapalaran sa nakalipas na taon.

“We just have to take care of the basketball,” pahayag ni Lue sa panayam ng media matapos ang ensayo ng Cavs sa Quicken Loans Arena nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Sa pagsabak sa Warriors para sa Game 3 ngayon (Miyerkules sa Cleveland), isang option ang puwedeng gamitin ni Lue:

Palitan si guard JR Smith ni Iman Shumpert sa starting line up.

Ngunit, isinantabi ito Lue. Aniya, nakausap niya ang maybahay ni Smith at nagbigay ito ng payo.

“She had a great idea for me. She told me every time I touch it, shoot it.”

Ngunit, ang higit na nakababahala para sa Cavs ay ang bilis at hindi matapatang gilas ng Warriors.

Batay sa report ng ESPN research, ang bilis ng laro sa unang dalawang duwelo ang pinakamabilis sa naunang 212 postseason game na nalarauan ni James.

Kung kaya’t hndi nakapagtataka na ang dating dominanteng si James ay nalimitahan na lamang sa averaged 28.5 puntos, 13 rebound at 11 assist, dahil sa pagbagal ng atake nito sa second half.

Naghahabol ng todo si James at ang Cavs at lutang ito sa Game 2 nang manalo ang Warriors sa kabila nang nagawang 20 turnover.

Hind naman matanggap ni James ang sitwasyon.