Bagamat sugatan, ligtas na sa tiyak na kamatayan ang isang pulis na tinambangan ng walong armado sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si PO3 Noel Abarro, 45, nakatalaga sa Intelligence Unit ng Malabon Drug Enforcement Unit (IU-DEU), dahil sa tama ng cal. 45 sa braso at balikat.

Base sa report, bandang 6:00 ng umaga ay papauwi na si PO3 Abarro at kanyang misis, sakay sa Toyota Adventure, mula sa Malabon Police Station.

Pagsapit sa Barangay NBBS, Navotas City, ilang metro ang layo sa Vitas-Katipunan, Tondo, pinagbabaril sila ng walong lalaki na pawang nakasuot ng face mask at lulan sa tatlong motorsiklo.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Kahit duguan, bumaba mula sa sasakyan si PO3 Abarro at nakipagbarilan sa mga suspek.

Tiyempo namang dumating ang nagpapatrulyang mga pulis mula sa Smokey Mountain, kaya napilitang tumakas ang mga suspek.

Ligtas ang misis ng pulis. (Orly L. Barcala)