STA. ROSA, Nueva Ecija - Isang 31-anyos na lalaking tumangay umano sa isang tricycle ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga pulis nang iwasan niya ang checkpoint ng mga ito sa hangganan ng Sta. Rosa-San Leonardo sa bayan ng Sta. Rosa sa Nueva Ecija, nitong Lunes ng madaling-araw.

Ayon kay Senior Insp. Sandro A. Ortega, team leader ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nagsasagawa sila ng Oplan Sita sa Bgy. Del Pilar bandang 2:15 ng umaga nang mamataan ang pagdating ng isang tricycle na pinapahinto pero lumihis ng daan at nagpaputok ng baril.

Sinabi ni Ortega na dala ni Herman Lal y Cabutol, 33, binata, ng Bgy. Publacion, Lupan, ang ninakaw umano nitong tricycle, isang Kawasaki Bajay CT100 na nakarehistro sa isang Crispin Gabriel.

Nauwi ang insidente sa habulan at engkuwentro hanggang sa mapatay si Lal. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon