ni Brian Joseph N. Yalung
TARGET ng DLSU Green Archers na masungkit ang back-to-back championship sa paglarga ng UAAP Season 80. Mananatiling pambato ng Taft-based cagers si Ben Mbala, ngunit sa pagkakataong ito, tila walang katiyakan kung sino ang makakatuwang nang tinaguriang ‘Big Ben’.
Sa kasalukuyang, Filoil Flying V Premier Cup – pampaganang liga para sa collegiate schools – kabilang ang La Salle sa kalahok at lutang ang matinding pangangailangan ng Green Archers upang maidepensa ang korona.Lutang na lutang ang pangangailangan nang koponan para matapalan ang pagkawala nang mga premyadong sina Jeron Teng, Thomas Torres, Jason Perkins at Julian Sargent.
Nasa mga balikat nang mga nalalabing player ng last year titlist ang laban ng Archers. Nasa grupo pa sina Aljun Melecio, Andrei Caracut, Abu Tratter, Justine Baltazar, Jollo Go, Kib Montalbo, Brent Paraiso, Gboy Gob, Prince at Ricci Rivero.
May mga bagong mukha sa koponan tulad nina Leonard Santillan, Gabe Capacio, Ramil Tero at transferee Joshua Gonzales.
Maaasahan tiyak si Melecio, habang si Caracut ang posibleng maging ‘go-to-guy’ ng Archers sa krusyal na sitwasyon.
Hinahasa pang mabuti si Baltazar, habang inihahanda ang katauhan ni Santillan sa malaking laban.
Makakaharap ng Green Archers ang mahigpit na karibal na Ateneo sa Hunyo 11 (Linggo) sa Filoil Premier Cup at inaasahang masusukat hindi man mapagtutuunan ng pansin ang kailangang isaayos sa koponan bago ang pagbubukas ng UAAP Season 80.