ISULAN, Sultan Kudarat - Apat na armado na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA)-Front 73 ang sumuko at tinanggap ni Regional Peace and Order Council (RPOC)-12 chairman, Sultan Kudarat Gov. Sultan Pax S. Mangudadatu, al hadz, sa seremonya sa kapitolyo ng lalawigan nitong Lunes ng umaga.

Pawang mula sa tribung Manobo ang mga sumukong rebelde na sina Winel Ebal Sidula, 19, tumatayong pinuno ng grupo; Kalas Ebus Mulok, 25; Bonie Sabrol Tumbalay, 33; at Mintes Ebus Sidula, 50, pawang taga-Sitio Hinatian, Barangay Ilian, Esperanza, Sultan Kudarat.

Pinagkalooban din ni Mangudadatu ang mga sumuko ng tig-P20,000 cash bilang panimulang ayuda at pinangakuang bibigyan ng trabaho.

Nauna rito, may 11 pang miyembro ng NPA ang sumuko rin sa gobernador. (Leo P. Diaz)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?