NAGBABALIK ang The Beatles sa Billboard 200 album charts sa 50th anniversary reissue ng klasikong Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band, batay sa data ng Nielsen SoundScan nitong Lunes.

Ang remastered version ng Sgt. Pepper 1967 album ay bumenta ng mahigit 75,000 units sa loob ng isang linggo at pumuwesto sa No. 3 spot sa Billboard 200. Ito ang pinakamataas na Billboard 200 ranking para sa British rock quartet sa loob ng 16 taon, nang ilang linggong mamayagpag ang kanilang greatest hits album na 1 sa tuktok ng chart, ayon sa Billboard.

Gayunman, hindi sapat ang karisma ng The Beatles para maagaw ang No. 1 spot sa Kentucky rapper na si Bryson Tiller, 24, na ang True to Self ay bumenta ng 106,000 units sa unang linggo nito.

Nananatili ang Damn. ni Kendrick Lamar sa second place sa karagdagang 84,000 units na naibenta sa ikapitong linggo ng paglabas nito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tina-tally ng Billboard 200 album chart ang units mula sa album sales, song sales (10 songs equal one album) at streaming activity (1,500 streams equal one album).

Sa digital songs chart, sinusukat ang online single sales, nanatili ang Despacito ng Puerto Rican singer na si Luis Fonsi featuring Justin Bieber sa top spot sa ikaapat na linggo sa karagdagang 148,0000 kopyang naibenta.

(Reuters)