SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na umano’y nagbebenta ng droga matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Sto. Tomas sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Base sa police report sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang napatay na si Marlon Valencia y Samonte, may asawa, ng Zone 1 sa nasabing lugar.

Nabatid na nakatunog si Valencia sa inilatag na buy-bust kaya nagtatakbo siya habang binabaril ang mga pulis, kaya gumanti ng putok ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit na ikinasawi ng suspek bandang 3:40 ng umaga.

Nakarekober pa ang pulisya ng isang .38 caliber revolver, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, tatlong basyong bala ng .9mm caliber, tatlong basyong bala ng armalite rifle, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon