Sa pagsasara ng sesyon ng Kongreso noong nakaraang linggo, inilahad ng liderato ng Kamara ang mga naipasang panukala sa First Regular Session ng 17th Congress.

Pinasalamatan ni Speaker Pantaleon D. Alvarez ang mga kasamahang kongresista sa pagsisikap na mapagtibay ang mahahalagang panukala sa nakalipas na 10 buwan.

Kabilang sa mga naipasa ng Kamara ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill, pagpapalawig sa 10 taon sa pasaporte, updating ng 87-anyos na Revised Penal Code, amyenda sa Anti-Money Laundering Act, libreng Internet sa mga pampublikong lugar, at libreng matrikula sa state universities and colleges (SUCs). (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?