Kinontra ni mismong House Speaker Pantaleon Alvarez ang resulta ng imbestigasyon ng pulisya at mismong iginigiit din ng Malacañang na walang kaugnayan ang terorismo sa naging pag-atake sa Resorts World Manila sa Pasay City nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa pahayag ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima, sinabi ni Alvarez na naniniwala siyang ang pamamaril at panununog sa hotel, na ikinasawi ng 38 katao, ay isang “clear example of a lone wolf terrorist attack”, na gaya ng mga terrorist attack sa ibang bansa, na maraming inosente ang nasasawi.

“At this point, I disagree with the conclusion reached by law enforcement authorities that the Resorts World incident was not a terrorist act but rather a criminal case of armed robbery and arson,” sabi ni Alvarez.

“This is a clear example of a ‘lone wolf’ terrorist attack targeting civilians to inflict maximum loss of life and damage to property, as what has happened in other countries,”dagdag pa ng mambabatas.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Kaugnay nito, nanawagan siya sa mga public security agency at sa militar “[to ] get their act together and put in place the highest level of security measures” upang maiwasang maulit ang insidente.

Gayunman, tutol ang ilang kongresista—kabilang ang isang dating aktibo sa militar—sa naging pahayag ni Alvarez.

“It s still early to claim that. Allegedly, ang gunman natalo sa sugal at nagwala,” sabi ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano. (Ben R. Rosario)