LIGTAS AT TAHIMIK Isa ang babaeng ito sa 62 evacuees mula sa Marawi City na dumating sa Cebu City Pier kahapon. Napilitang lumikas ang mga residente ng siyudad upang umiwas sa nagaganap na bakbakan. (JUAN CARLO DE VELA)

Nagkakasakit na ang mga residente ng Marawi City na nagsisiksikan ngayon sa mga evacuation center sa iba’t ibang lugar sa Mindanao ngunit nilinaw ng Department of Health (DoH) na wala pa namang outbreak ng sakit doon.

Batay sa datos ng DoH, mahigit 700 taga-Marawi ang dumaranas ng minor illnesses sa umaabot sa 25 evacuation centers sa Iligan City at Lanao del Sur.

Karaniwang mga sakit lamang umano ang dumapo sa mga ito tulad ng respiratory infection, alta-presyon, ubo, sipon at lagnat.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tiniyak din ng DoH na nagpapadala na sila ng sapat na mga gamot sa evacuation centers para sa mga residenteng nagkakasakit.

Hinikayat din ng DoH ang mga residente na maging maingat at panatilihin ang kalinisan sa evacuation centers upang makaiwas sa karamdaman. - Mary Ann Santiago