SA nalalapit na pandaigdig na mga paligsahan sa palakasan o international sports competition, umuugong ang mga mensahe hinggil sa pagpapadala natin ng karapat-dapat na mga atleta na may pag-asang makasungkit ng medalya. Ang naturang tagubilin ay nakatuon hindi lamang sa mga haligi ng national sports association, kundi maging sa iba pang sektor na nagmamalasakit upang ang ating bansa ay maitampok sa world map of sports.

Sa 29th Southeast Asian Games na nakatakdang idaos sa Malaysia sa Agosto, halimbawa, kailangang tiyakin na ito ay hindi palakihan ng delegasyon. Kaisa ako sa panawagan ng pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) na hindi makabubuti sa Pilipinas kung tayo ay magpapadala ng malaking delegasyon o mga atleta na hindi magkakamit ng inaasam nating mga medalya; na hindi makapagpapabuti sa sports standing na nangungulelat sa mga kompetisyon.

Laging binibigyang-diin ng PSC na sa Singapore sports fest, dalawang taon na ang nakalilipas, tayo ay nakasungkit lamang ng 29 na gintong medalya sa delegasyon na binubuo ng mahigit 450 manlalaro. Natiyak ko na hindi maliit na halaga ang nagastos ng naturang delegasyon na hindi malayong kinabibilangan din ng ilang pasingit na atleta at ilang alalay ng sports leaders.

Dapat lamang tiyakin ng PSC, sa pamamagitan ng Philippine Olympic Committee (POC), na ang mga manlalaro lamang na may potensiyal sa mga medalya at iba pang karangalan ang isasagupa natin sa naturang sports competition. Ang PSC ang sumasagot hindi lamang sa gastos ng delegasyon kundi pati na sa monthly allowance, board and lodging, local at overseas training ng mga atleta.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Marapat lamang masiguro na ang lahat ng gugulin para sa mga manlalaro ay mailaan sa mga lehitimong pangangailangan tungo sa ibayong pagpapabuti ng ating sports program. Kabilang na rito ang pagpapaigting ng grassroots sports development program; sa mga kanayunan malimit na natutuklasan ang mahuhusay na manlalaro. Napatunayan na ang ganitong sistema nang ilunsad ng nakalipas na rehimen ang matagumpay na Gintong Alay sports program. Noon, ang ating mga atleta sa iba’t ibang larangan ng palakasan ay humakot ng katakut-takot na medalya. Ang pagtuklas ng mga potential medalist ay marapat na lalo pang pasiglahin.

Sa kabila ng lahat ng ito, dapat lamang nating asahan ang malakas na delegasyon ng mga manlalaro na hahakot ng mga medalya. Ang mga sports competition ay pagpapamalas ng kahusayan at hindi isang pagliliwaliw o junkets. (Celo Lagmay)