UMUSAD sa quarterfinal si Philippine Davis Cupper Francis Casey Alcantara kontra sa Singaprean rival sa quarterfinal round ng USD15,000 Singapore Open sa menâs singles competition sa Kallang Tennis Center nitong Huwebes.
Ginapi ng 25-anyos na si Alcantara,pambatao ng Cagayan de Oro City, via retire, 6-4, 4-1 si seventh seed Vietnamese Nam Hoang Ly.
Sunod na makakaharap ni Alcantara ang mananalo sa laban nina Raymond Sarmiento at Australian Dane Propoggia.
Samantala, pinataob ni top seed Indian Ramkumar si Japanese qualifier Ken Onoda, 6-1, 6-2, para makapasok sa quarterfinal. Mapapalaban siya kay No. 6 Taiwanese Cheng-Yu Yu at Indian Sidharth Rawat.