EDU AT UGE copy

Bukas na ang pagbabalik ng pak na pak at mas pinabonggang nag-iisang all-original Pinoy comedy game show, ang Celebrity Bluff Season 13.

Kaya muli nang makaka-bonding ng televiewers si Eugene Domingo tuwing Sabado night.

Makakasama ng multi-awarded actress-host sina Boobay at Brod Pete at makikisanib-puwersa rin sa kanila para manglilito at manggugulo ang Master Bluffer na si Edu Manzano.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa buena manong arangkada ng happiest race to half a million pesos, tatlong tandem ng Kapuso actresses ang magpapagalingan at mag-uutakan sa Round 1-Fact or Bluff level at nakaka-palpitate na Word War.

Kaninong team ang makaka-overtake all the way to jackpot round, ang kikay at kuwelang duo ba nina Jennylyn Mercado at Sheena Halili, ang trending bida-kontrabida team-up nina Ryza Cenon at Sunshine Dizon o ang nag-uumapaw sa kaseksihan nina Andrea Torres at Rochelle Pangilinan?

Tanong! Sino sa kanila ang mahihiritan ni Master Bluffer Edu, at sino naman ang mahaharap sa paghahamon ng ‘di maawat na si Bluffer Boobay?

At dahil 13th Season na ng paboritong katatawanan tuwing Sabado, tuloy pa rin ang ating panatang maka-bluff, na pupunuin ng bungisngisan at trivia ang inyong weekend samahan pa ng makulit na tropa ng most promising Kapuso boy group na One Up!