PARIS (AP) — Hindi ang panalo nina No.1 Andy Murray at No.3 Stan Wawrinka ang sentro ng usapan sa Roland Garros.

Higit pa ang kaganapan sa pagkasibak ni Johanna Kontra sa women’s draw.

Laman ng balitaktakan ang pagtanggi ni Laurent Lokoli ng France, ranked 287th, na tangapin ang pakikipag-kamay ng karibal na si Martin Klizan ng Slovakia sa tanda ng pagiging sportsman at gentleman sa tennis.

Ginapi ni Klizan ang wild-card entry na si Lokoli, 7-6 (4), 6-3, 4-6, 0-6, 6-4 sa first round ng French Open, ngunit imbes na makipag-kamay ito sa gitna ng court na tradisyunal na gawain sa professional o maging sa recreational tennis, kaagad itong nagtungo sa kanyang bench at nag-alsa balutan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit ni Lokoli na hindi siya ‘banas-talo’ sa kanyang pagtanggi na makipag-kamay kundi hindi niya naibigan ang umano’y pagkukunwari ni Klizan na nagtamo ng injury sa gitna ng kanilang laro na aniya’ isang ‘disrespectful’.

“I just have (a) problem with his attitude,” pahayag ni Lokoli. “because he wasn’t fair. That’s it.”

Tumanggi namang palakihin pa ni Klizan, haharap kay Murray sa second round, ang isyu.

“I don’t want you to make a big story about nothing,” aniya sa media post-game interview.

Ikinainis umano ni Lokoli ang kawalan ng ‘gamesmanship’ ng karibal higit sa fourth set kung saan nakuha niya ang 6-0 panalo dahil hindi lumaban ng sabayan si Klizan.

“I’m wondering if he’s going to retire or no, because now he’s not running anymore, you know?” And then, Klizan suddenly would be fine.

“I’m just saying that, you know, there are ways of doing things. If you’re injured, for instance, well, you’re injured. So what? Call the doctors. This is what really bothered me,” aniya.

Nilinaw naman ni Klizan ang kaganapan sa fourth set.

“He played perfect. No mistake. Serving aces. I was playing bad. At that time, I feel a little bit one pinch in my calf. So I was scared.”

Umusad si Murray nang maisalba ang laban kay Andrey Kuznetzov, 6-4, 4-6, 6-2, 6-0.

“It was a decent start,” pahayag ni Murray.”Considering, obviously, how I played in the buildup.”

Nakasalba rin sina 2015 champion Wawrinka, No. 8 Kei Nishikori, No. 18 Nick Kyrgios at No. 29 Juan Martin del Potro, ngunit laglag sina No. 9 Zverev at No. 27 Sam Querrey