MOSCOW (Reuters) – Apat na cruise missile ang pinakawalan ng Russian warship at submarine para sa Islamic State target malapit sa Palmyra sa Syria, sinabi kahapon ng Defense Ministry.

Isinagawa ang pag-atake, na ayon sa Russian news agencies ay unang beses simula noong Nobyembre, gamit ang frigate “Admiral Essen” at submarine “Krasnodar,” at pinuntirya ang mga militante sa Palmyra.

“All targets were destroyed,” ayon sa statement ng defense ministry.

Binalaan ng Russia ang United States, Turkey at Israel bago magpakawala ng missile, ayon sa ministry.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na