TARLAC CITY – Kahit ang may kabigatang dining set ay tinangay ng mga hinihinalang miyembro ng Salisi gang mula sa isang bahay na pinasok nila sa Barangay San Roque sa Tarlac City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Joey Agnes, sinamantala ng mga hindi nakilalang suspek ang pag-alis ni Marielhen Reyes, 33, may asawa, mula sa tinutuluyang apartment sa Capitol Garden Subdivision sa Bgy. San Roque.

Natangay ng mga kawatan ang isang 53-inch LG LED TV na nagkakahalaga ng P50,000, dining set na nagkakahalaga ng P8,500, at iba't ibang grocery items na nagkakahalaga ng mahigit P1,000. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog