Dumating na kahapon ang 240 distressed overseas Filipino worker (OFW), na kabilang sa libu-libong kumuha ng 90-day amnesty program, mula sa Jeddah sa Saudi Arabia.

Base sa ulat, pasado 8:00 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Philippine Airlines (PAL) flight PR-663 na sinakyan ng mga OFW.

Ang nasabing bilang ng OFW ay pawang nagkaproblema sa kanilang trabaho at employer sa Saudi. (Bella Gamotea)

Trapiko sa expressways, nagsisimula nang bumigat bunsod ng holiday season—Toll Regulatory Board