KATHRYN copy

SI Kathryn Bernardo ang tumatayong chief executive officer (CEO) ng KathNails by KCMB. Sariling negosyo ni Kathryn ang KathNails na matatagpuan sa ikalimang palapag ng The Block sa SM.

Kuwento ni Kath, ilang taon na nilang pinaplano ng kanyang inang si Mommy Min ang nail salon na alam niyang isa sa mabentang negosyo ngayon.

“Sa totoo lang, eh, hindi namin ini-expect na magagawa namin ito sa taong ito. Until sinabi ni Mama nu’ng shooting ko sa Can’t Help Falling In Love na nakahanap siya ng magandang place. Kaya hayun, tuluy-tuloy na,” sey pa ng sikat na young actress.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Siyempre, masayang-masaya ang kasintahan ni Daniel Padilla ngayong natupad na ang matagal niyang pinangarap na magkaroon ng sariling negosyo.

“Ito ‘yung project na naging hands-on kaming lahat dahil ako rin mahilig ako magpa-nails,” banggit pa ni Kathryn.

Pag-amin ng dalaga, ang binuksan niyang negosyo ay para talaga sa kanyang mahal na ina. Ang KathNails ay magsisilbing investment ng kanilang pamilya.

“More on para sa mama ko ito. Parang sort of gift ko sa kanya. Gusto ko meron siyang gawin na business muna, start hanggang sa may gawin siya with my sisters. Sila talaga ang magma-manage nito. Ako parang sort of checking lang kung ano ang mga gagamitin nila,” kuwento pa ni Kathryn.

Ipinadarasal ni Kathryn na maging successful ang negosyo nila dahil balak niyang magdagdag ng iba pang branches nito. Pero sa ngayon ay tutok muna sila sa unang KathNails by KCMB.

Star small but think big ang beauty ni Kath. (JIMI ESCALA)