NAGDADALANTAO raw ang isang kilala, dalaga at magandang actress.

Ito ang mainit na usap-usapan ng mga katoto sa special block screening ng pelikulang Bhoy Singkit sponsored by the Philippine Movie Press Club sa Cinema 5 ng Fisher Mall last Sunday.

Ayon sa pinanggalingan ng tsika, aware naman daw dito ang executives ng TV network na kinabibilangan ng magandang aktres pero hanggang ngayon ay hindi pa naman ito tuwirang umaamin.

Maging ang mga taong malalapit sa kanya ay umiiwas ding magbigay ng anumang komento hinggil sa isyu. May mga kaibigan siyang nabigla pero meron din namang napailing na lang.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang alam naman ng lahat ay may idini-date ngayong non-showbiz guy ang kilalang aktres.

Alagang-alaga ng TV network ang magandang aktres dahil isa ito sa itinuturing na homegrown talent ng istasyon. Walang patid ang projects na ginagawa ng aktres. Magbida o kontrabida kasi ay mahusay niyang nagagampanan ang role. Pero lately ay naging madalang na ang TV exposure niya.

“Paano, mas binigyan niya yata ng priority ngayon ang non-showbiz guy kaya hayun, tinatamad na rin ang istasyon na bigyan siya ng project,” sey pa ng kausap namin. (JIMI ESCALA)