Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Luzon sa posibilidad ng baha at landslide dulot ng mararanasang malakas na ulan sa rehiyon.

Paliwanag ng PAGASA, ang malakas na ulan ay epekto ng southwest monsoon dahil sa inaasahang pagsisimula ng tag-ulan ngayong linggo.

Apektado rin ng pag-uulan ang Batanes, Ilocos region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Makararanas naman ng katamtamang pag-ulan at thunderstorms ang ilang bahagi ng Central Luzon at ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley Region.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Paglilinaw ng PAGASA, wala pa itong natutukoy na namumuong sama ng panahon o bagyo sa paligid ng Philippine area of responsibility hanggang kahapon. - Rommel P. Tabbad