Pinag-iingat ng Department of Trade and Industry (DTI)-Region 6 ang mga consumer sa pagbili ng school supplies na may lead content o tingga.

Sinabi ni DTI-Region 6 Trade and Development Division Chief Judith Degala na kailangang maging maingat ang mga magulang sa pagbili ng school items, tulad ng krayola at lapis, upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak.

Ayon kay Degala, aktibong mino-monitor ng kagawaran ang mga retail outlet na maaaring magbenta ng mga mapanganib na school items, gaya ng krayola, lapis, pambura, watercolour, clay, at iba pa na posibleng may mataas na lead content.

Ilan sa mga pangunahing epekto ng pagkakalantad sa tingga ay ang pinsala sa utak, pagkaantala sa paglaki ng buto at laman, paghina ng katawan, problema sa pandinig, pagsasalita, at pagkatuto, pagkakaroon ng mababang IQ, at pagiging agresibo at marahas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinasabi rin ang regular o madalas na pagkakalantad sa tingga ay maaaring magdulot ng mental retardation, pangingisay, at maging kamatayan, ayon sa mga pag-aaral.

Samantala, magsasagawa ang DTI-6 ng “Balik Eskuwela Diskwento Caravan” sa kapitolyo ng Iloilo sa Miyerkules hanggang Biyernes, Mayo 31-Hunyo 2.

Mag-aalok ng 10-30 porsiyentong diskuwento sa presyo ng school supplies ang Philippine Retailers Association-Iloilo Chapter. - Beth Camia