NUREMBERG, Germany (AP) — Naidepensa ni Kiki Bertens ang Nuremberg Cup nang patalsikin si Czech qualifier Barbora Krejcikova, 6-2, 6-1, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Kiki Bertens of the Netherlands (Daniel Karmann/dpa via AP)
Kiki Bertens of the Netherlands (Daniel Karmann/dpa via AP)
Hindi masyadong pinagpawisan ang top-seeded na si Bertens laban sa 254th-ranked na si Krejcikova, iniskorn niya ng pitong ace tungo sa panalo na natapos na wala pang isang oras.

Ito ang ikapitong torneo sa WTA ng 21-anyos na si Krejcikova.

Matindi ang paghahanda ni Bertens sa French Open na magsisimula na bukas. Umusad siya sa quarterfinal sa Madrid, semifinal sa Rome at ikatlong career title sa Nuremberg.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ginapi niya si Mariana Duque-Marino sa nakalipas na finals.