Haharapin bukas ng top security and national defense officials ang mga senador upang ipaliwanag ang basehan ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao, sinabi kahapon ni Senate Majority Leader Vicente C. Sotto III.
Ang mga opisyal na ito ay sina National Security Adviser Hermogenes Esperon, dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff; Defense Secretary Delfin Lorenzana; at General Eduardo Ano, AFP chief of staff.
Ang pagpupulong sa pagitan ng mga senador, na pangungunahan ni Senate President Aquilino Pimentel III, at tatlong security at defense officials ay closed doors, sinabi ni Sotto.
Ayon kay Sotto, nasa Senado kung ibi-brief nila ang Senate reporters sa mga isyung tatalakayin sa executive session.
Sinabi rin ni Sotto na hindi nakikitang kinakailangan ng Senado at ng House of Representatives na magkita sa joint session upang talakayin ang martial law declaration na, sa ilalim ng Konstitusyon, responsable lamang sa pagpapatigil o pagpapatuloy ng martial law period.
“Joint session? What for? I don’t see the logic. Media mileage?’’ tanong ni Sotto. (MARIO CASAYURAN)