BALUNGAO, Pangasinan - Patay ang isang binata sa dami ng tama ng bala sa katawan makaraang ratratin sa bayan ng Balungao habang isa pang lalaki ang grabeng nasugatan matapos na barilin sa mata sa San Carlos City, Pangasinan, nitong Biyernes.

Sa report kahapon ng pulisya, dakong 8:00 ng gabi nitong Biyernes nang bistayin si Walter Pascion, 32, ng hindi nakilalang armado na lulan sa puting van na walang plaka sa Barangay Kita-Kita sa Balungao.

Nauna rito, bandang 1:00 ng hapon naman nang sugurin ni Gerardo Palisoc , 50, ang kapitbahay na si Reynaldo Marcelo sa Bgy. Bega sa San Carlos.

Ang misis ni Marcelo ang humarap kay Palisoc ngunit pinukol umano ng huli ng bato ang ginang kaya lumabas ang suspek at gamit ang airgun ay binaril sa mata si Palisoc. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote